Ama... kung saan nagmula ang kalahati ng iyong kabuuan (genetically speaking...) biglang english! hirap kaya mag-tagalog! ikaw try mo. Anyway...
Sila ang itinuturing nating puno ng bahay at ng pamilya, ang gumagawa ng desisyon, ang pangunahing nagaakyat ng pinansyal na pangngailangan ng pamilya...ito ang conbesyonal na pagkakakilanlan sa mga ama, ngunit sa makabagong panahon, hindi na ganito ang pagturing sa kanila ng karamihan (grabe! effort ng bongang bonga sa tagalog na bongang bonga!)
Ano na nga ba sila ngayon? e di ama parin! LOL. Sila nga ba dapat ang breadwinner at ang mas may "say" sa karamihan ng bagay pampamilya? Dapat pa nga ba silang tawaging puno ng pamilya? Bakit nga ba naging sila ang "head of the family" at sinong herodes and nagsabi na ganito dapat?
Kanyaknaya ang opinyon, pero dahil blog ko ito, opinyon ko ang mababasa nyo rito... (holler!)
Going back...
Hindi ako ganun ka-affectionate sa mga ama in general kaysa sa mga ina. Ang katotohonan pa nga, wala akong ka-apeapeksyon sa kanila. Lumaki kasi ako na hindi sinubaybayan ng aking ama. Simula ika anim na baitang noong elementarya ay ina ko na ang bumuhay sa aming 3 magkakapatid. Their irreconcilable differences led us to be separated. Wala naman akong galit sa mga ama ng tahanan, ngunit wala rin akong keme sa kanila. Marahil ay dala ito ng pinagdaanan ko. Oo, away nila yun at talagang ‘di na sila magkasundo kaya naghiwalay; desisyon nila yung magasawa kaya wag ng panghimasukan! Ngunit maari mong tanungin, bakit sa ina ko ako may apeksyon at wala sa ama? Dahil ang ina ko ay hindi kami pinabayaan at binitiwan. SIya ang nagpaaral, nagpakain, bumubuli ng mga pangangailangan naming. Takw note, walang katulong yan sa buhay, madeskarte talaga! Nasaan si pudang? just around, may kiyeme siguro, pero di ko ramdam. Galit ako? Oo, noong una, bongang bonga! Pero kalaunan ay nawala rin ang galit ko… nawalan ako ng nararamdaman sa kanya. I became indifferent. Totoo yung sinasabi nila na “hate is not the opposite of love, indifference is.” Ganun na ako ngayoon sa aking ama. Dahil rito ay naapektuhan rin ang pagtingin ko sa mga ama, pangkalahatan.
Ang kapal ng mukelya kapag nakakaita ako ng ama na ang trabaho ay pal! Pal-amunin, o kung hindi pal, walang kntribusyon pinansyal kahit konti. Tapos humuhingi na nga ang misis mo tulong kasi pagud na pgud na, ikaw naman lagging, “pasensya na, walang mahanap na trabaho e.” Aba, mahiya ka naman ng bongang bonga! Yung asawa ngrag na sa paghahanap ng ipapakain sa inyo, ikaw wa tulong. Kung kinakailangan mong magtanim ng kamote at ibenta sa palengke e gawin mo; may responsibilidad ka sa pamilya mo! Tapos nariyan pa yung makukuha nilang mangahasa ng anak! Isipin mo, 6 y/o or less, ginalaw mo tapus anak mo pa! Aba tatang, kung ikaw kaya ang ipa-bona ko sa 30 kabayo, tingnan ko lng kung makalakad ka pa. At eto pa, pal na nga, naghahasa pa, aba adik pa! Naghihirap na nga si misis, nakukuha mo pang humithit, mahal kaya per gramo yun! luxurious? Hindi lang yan, dahil nga wala ng ibang mapaglibangan sa bahay, nakuha pang mangaliwa. Kapal talaga ng pes! Tapos pag nabuntis, tatalikuran rin. Sa ganito kaba hihingi ng pahintulot? ganito ba ang puno ng pamilya kung tawagin? Ka-stress kayo!!!!!!!!!!!!!!!!! Kaya na lang ang pag-gamit ko ng exclamation point ay bongang bonga!!!!!!!!!!
Hindi lang dapat ang ina, or kahit ang ama alone, ang bumubuhay sa pamilya at nagaalaga ng anak. Dahil patuloy ang pagtaas ng standard ng pamumuhay ngayon, kailangan mag-tulungan. Not unless gusto mong mamatay yung isa sa katatrabaho, go wag mong tulungan! ‘Di mo ba naiisip ito?: ang ina, ine-expect mo na mag akyat ng pera pandagdag gastos at the same time, paguwi sa bahay, alagaan ang mga anak nyo, magluto ng pagkain kinabukasan, gwain ang mga gawaing bahay. Katulong? Kaya nga kayo nagtutulungan sap era para may pandagdag gastos magkakatulong pa ba? Tapos ikaw, simpleng simpleng magakyat na nga lang pera, di mo pa magawa ng ayos. O ngayon, sinong maspagod sa inyong dalawa? Sinong mas may diskarte? Sinong mas bonga?
MAKATI S.E.B
12 years ago
No comments:
Post a Comment